dinelete ko ang nauna kong blog, sa mga dati kong followers kung meron man, hindi nyo na matatandaan yun dahil wala nang bakas o anu mang ebidensya. binago ko na lahat, ang pangalan ko, blog title, tirahan at address. marami na kong pinagkakautangan kaya kinailangan ko nang gumawa ng aksyon.
ang dati kong blog ay puno kasi ng kadramahan sa buhay. ok lang naman magdrama paminsan dahil normal lang naman 'yon, wag lang puro drama na lang, mula umaga hanggang gabi. dinespatsa ko na kasi nagsawa na ko sa drama, dapat nang bawasan.
so, panibago na naman ito. may isa pa kasi kong blog which is ayaw kong masyadong ipagkalat. private kumbaga, kaya nga pinagkakalat ko na meron pang isa. anyway, welcome sakin, welcome sa bagong blog ko. welcome din sa mga bibisita. subukan kong bisitahin ulet ang mga sinusundan kong blogs, sana matandaan pa nila ako. lol